Isang public school teacher ang nagbahagi ng kanyang sama ng loob matapos makatanggap ng mga nakakainsultong mensahe mula sa magulang ng kanyang inaanak.
Nagsimula ito nang mag-message ang nasabing magulang sa guro na humihingi ng pamasko para sa kanyang anak na inaanak ng guro. Nakasaad sa mensahe na limang libong piso (P5,000) ang hinihingi ng magulang upang makabili ng tablet para sa anak. Agad namang nag-react ang guro at sinabing masyadong malaki ito at hanggang tatlong libo (P3,000) lamang ang kaya niyang ibigay.
Dito na nagsimulang magalit ang magulang, tinanggihan nito ang alok ng guro na tatlong libong piso at sinabing kuripot ito. Nabanggit din ng magulang na may bonus naman ang guro at maliit na halaga lamang ang alok na P3,000. Bukod dito, sinabi din ng magulang na nagsisisi ito dahil siya pa ang kinuhang ninang para sa kanyang anak.
Hindi naiwasang sumama ang loob dito ng guro dahil sa totoong buhay napakaraming gastusin ng isang guro at ang alok nitong P3,000 bilang pamasko ay malaki na lalo't bukal sa loob nito ang pagtulong sa nasabing inaanak.
"Nakakadismaya. Gusto ko lang naman na bumawi dahil hindi ako nakapagbigay sa kanila at parang tulong na rin sana dahil walang trabaho ang mga magulang, tapos ganito lang. Ayoko ng mamilit. Sadya nga bang mandatory na ang pagbibigay sa panahon ngayon? Na kapag hindi tayo nakapagbigay ay magsisisi sila kung bakit kinuha pa tayong ninang."
(Makahiubos🙄🙄 Gusto raman unta ko mubawi ky lagi sukad masukad waku kahatag para dang tabang nlng pud ky wapud trabaho ang ginikanan pero inganion ra diay ta😩 Di naku mangugos😭 Mandatory na diay ron unyag wala jud ikahatag ky weather2 ra rabag panahon makob mahayang so mahayan ta aning gihimong ninang💔💔)
Sa huli ay humingi rin ng paumanhin ang magulang sa kanyang mga sinabi sa guro at maluwag naman itong tinanggap ng guro.
Magulang nagalit sa guro dahil hindi naibigay ang 5K na pamasko sa inaanak
Reviewed by Teachers Click
on
January 03, 2021
Rating:
No comments: