Viral ngayon sa social media ang larawan o screenshot na may linyang "PUBLIC SCHOOL TEACHERS ISASALI SA VACCINATION TEAMS NA SASAILALIM SA TRAINING" na umani ng samu't saring batikos lalo na mula sa mga pampublikong guro ng bansa.
Marami ang naglabas ng kanilang personal na opinyon na hindi dapat isali ang mga guro dito dahil hindi naman ito ang kanilang linya at dapat ay mga medical workers o health professionals lamang ang kasali dito. Marami din ang hindi makapaniwala dito dahil nakatuon ang atensyon at trabaho ngayon ng mga guro sa distance learning na pinatutupad ng kagawaran ng edukasyon.
Upang mabigyang linaw ang usaping ito at maiwasan ang mga opinyon na hindi nararapat, binigyang diin ng Department of Health (DOH) na ang mga guro na parte ng vaccination teams ay para lamang sa health education at hindi mismong magtuturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Tanging mga doktor, nars, at midwife lamang ang awtorisadong magbakuna. Binubuo ang vaccination team ng anim (6) na miyembro kabilang na nga ang mga health professionals at mga guro na health education lamang ang nakatakdang gawain.
FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS (UPDATED) | |
Weekly Home Learning Plan | |
Activity Sheets | |
Summative Tests | |
Performance Tasks | |
New Normal E-Class Records | |
Rubrics | |
Grade 1 Worksheets | |
Grade 2 Worksheets | |
Grade 3 Worksheets | |
Grade 4 Worksheets | |
Grade 5 Worksheets | |
Grade 6 Worksheets |
Paglilinaw ng DOH sa pagsasali ng mga guro sa vaccination teams
Reviewed by Teachers Click
on
January 22, 2021
Rating:
No comments: