Magandang balita para sa mga pampublikong guro, sinimulan nang ipamahagi ang Service Recognition Incentive (SRI) sa iba't ibang lalawigan ng bansa.
Matatandaang inanunsyo mismo ni DepEd Undersecretary Annalyn M. Sevilla na noong January 18 pa ay sinimula na ng kagawaran na i-transfer ang pondo sa mga Regional Offices (ROs) papunta sa mga School Division Offices (SDOs) hanggang makarating ito sa mga empleyado.
Kinumpirma naman ito ng ilang mga guro sa iba't ibang lalawigan at syudad na natanggap na nga nila ang nasabing incentive. May ilan na nagsabi na ang halagang kanilang natanggap ay P6,190. Nauna nang sinabi ni Usec. Sevilla na huwag umasa ang mga empleyado na makatatanggap ng P10,000 SRI dahil hindi naaprubahan ng DBM ang pondo para dito.
Sa ngayon ay patuloy ang pamamahagi ng SRI sa mga empleyado ng DepEd na karamihan ay mga pampublikong guro. Ginarantiya naman ng kagawaran na maibibigay sa mga empleyado ang mga benepisyo na nararapat nilang matanggap kung kaya't wala dapat ipag-alala.
FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS (UPDATED) | |
Weekly Home Learning Plan | |
Activity Sheets | |
Summative Tests | |
Performance Tasks | |
New Normal E-Class Records | |
Rubrics | |
Grade 1 Worksheets | |
Grade 2 Worksheets | |
Grade 3 Worksheets | |
Grade 4 Worksheets | |
Grade 5 Worksheets | |
Grade 6 Worksheets |
SRI is Real, mga guro nasimulan nang tumanggap
Reviewed by Teachers Click
on
January 25, 2021
Rating:
No comments: