Principal namahagi ng tig-iisang printer sa mga guro gamit ang MOOE


Nakatanggap ng tig-iisang printer ang mga guro sa Pablo M. Conag Central School sa Esperanza, Masbate sa pamamagitan ng kanilang MOOE Fund at sa pamumuno ng kanilang School Principal na si Sir Noel A. Hibo.

Bilang isang pinuno ng nasabing paaralan, batid ni Sir Hibo na isa sa mga pangunahing pangangailan ng kanyang mga kasamang guro ay ang pagkakaroon ng kani-kaniyang printer na magagamit dahil sa patuloy na pagpapatupad ng distance learning. Kaya naman napagpasiyahan niya na ilaan ang kanilang MOOE fund upang maibili sila ng tig-iisang printer na lubos na makatutulong sa pagpi-print ng mga learning materials na ipadadala sa kanilang mga mag-aaral.

Bukod sa mga printers ay bumili din sila ng automatic thermal scanner at soap dispenser bilang pagsunod sa health protocols sa mga paaralan.

Makikita sa mga larawan ang lubos na kaligayahan ng mga guro sa nasabing paaralan dahil sa wakas at magiging mas magaan na ang pagpi-print nila ng mga learning materials.



Photo Credits to NGStarnews

Agad naman itong hinangaan ng mga publiko dahil kabila ng hirap at sakrisipisyo na dinaranas ng mga guro ay patuloy pa rin ang suporta sa kanila upang maging mas maluwag ang pagtugon sa kanilang mga tungkulin.

Principal namahagi ng tig-iisang printer sa mga guro gamit ang MOOE Principal namahagi ng tig-iisang printer sa mga guro gamit ang MOOE Reviewed by Teachers Click on February 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.