Bilang ng mga mag-aaral sa classroom at class schedule sa planong limited face-to-face


Limitado at ligtas na pagsasagawa ng face-to-face classes ang binigyang diin ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio sa kanyang panayam hinggil sa paghahanda ng kagawaran kung sakaling payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng IATF ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa bansa.

"Initially po, 'pag itong sa limited face-to-face mismo ay hindi lalagpas sa dalawampu ang mga mag-aaral na papayagan sa silid-aralan at i-ma-maximize po 'yung social distancing," wika ni San Antonio.

"Nire-recommend po natin na ang pagpasok at paglabas ng mga bata ay hindi sabay-sabay. Ang mga principal ay magde-decide kung sino 'yung unang papasok tapos after 30 minutes or 1 hour another cohort, another grade level ang pupunta," dagdag ni San Antonio.

Binigyang diin din niya na mahigpit na ipatutupad ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at paggamit ng mga hand sanitizers.


Sinuguro din ng pangalawang kalihim na ang mga paaralan na magsasagawa ng limited face-to-face kung sakaling pahintulutan, ay handa ang mga kagamitan at susunod sa tamang health protocols. Hindi din muna pahihitulutan ang pagkakaroon ng mga gawain o programa sa paaralan na magtitipon sa mga mag-aaral sa isang lugar.

Bilang ng mga mag-aaral sa classroom at class schedule sa planong limited face-to-face Bilang ng mga mag-aaral sa classroom at class schedule sa planong limited face-to-face Reviewed by Teachers Click on March 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.