𝗠𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼, 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟭𝟵 𝗣𝗕𝗕
Marso 16, 2021 – Nakatakdang makatanggap ang mga guro at karamihan sa mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng kanilang 2019 Performance-Based Bonus (PBB) makaraang ideklara ng IATF (AO25TF) na eligible ang Kagawaran sa naturang taunang insentibo.
“For PBB 2019, DepEd met 13 out of the 15 indicators. We are eligible as an agency because we met all the good governance indicators after our appeal on nationwide Philgeps non-compliances,” ani Undersecretary for Planning, and Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo.
Nagawang makapag-sumite ng DepEd ng indicators na nagpapakita ng mahusay na serbisyo sa pamahalaan, kasama dito ang (1) Transparency Seal; (2) PhilGEPS Posting; (3) Streamlining and Process Improvement (SPI) of Agency Services; (4) Posting of Agency Review and Compliance Procedure of Statement and Financial Disclosures; (5) Freedom of Information (FOI) Compliance; (6) Posting of Agency’s System of Ranking Delivery Units; (7) QMS Requirement; (8) Submission of Financial Reports; (9) Compliance with at least 30% of Prior Years’ Audit Recommendations; (10) Submission of FY 2019 APP non-CSE; (11) Submission of FY 2020 APP-CSE; (12) Submission of FY 2018 APCPI; at (13) Budget Utilization Rate (BUR).
Binigyang-diin ni Usec. Mateo na kahit nararapat lamang na makatanggap ang mga guro at kawani ng DepEd ng naturang insentibo, ihihiwalay muna ang mga non-teaching staff ng mga rehiyong hindi sumunod sa pamantayan.
Inaalam ng AO25TF at ng Results-Based Performance Management System (RPMS), sa pamamagitan ng pagtakda ng mga alituntunin, kung ang isang ahensa o indibidwal na tauhan ay nakapasa sa mga kakailanganin para maging eligible para sa bonus.
“PBB is not budgeted in DepEd because you can only get the PBB when the AO25 Task Force has evaluated the agency eligible for the PBB,” saad ni Usec. Sevilla.
Ayon kay Usec. Sevilla at Usec. Mateo, maghihintay ang Kagawaran ng opisyal na pakikipag-ugnayan mula sa AO25TF upang masiguro ang eligibility ng Kagawaran. Inaasahang ipadadala ng AO25TF ang sulat ngayong linggo.
Matapos ang kumpirmasyon ng AO25TF sa eligibility ng Kagawaran, isasaayos ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng mga bonuses. Ang school-based personnel ang siyang unang makatatanggap ng kanilang mga bonus, sunod ang mga tauhan ng SDO na nasa mga paaralan, at susundan ito ng mga School Division Offices (SDOs), Regional Offices (ROs), at ang Central Office (CO).
Ipadadala ng DBM ang pondo sa mga Regional Offices (ROs), ito naman ay direktang ipamimigay ng mga DepEd ROs at SDOs sa mga kawaning eligible na makatanggap ng PBB.
Naka-depende ang pagbabayad ng PBB 2019 sa mga pinasang ulat mula sa mga eskwelahan at field offices. Ang oras ng pag-proseso ng AO25TF ay nakaayon din sa pagkakumpleto ng mga sinumiteng dokumento sa gitna ng validation period (ranking, eligibility and isolation list) at pagbabahagi ng pondo mula sa DBM papunta sa mga ROs, ROs patungo sa SDOs, at SDOs patungo naman sa kawani.
Samantala, nagbigay din si Usec. Mateo ng mga updates para sa 2020 at 2021 PBB. Para sa 2020, nilalayon ng Kagawaran na magkaroon ng recalibration para masiguro na ang DepEd ay maging fully eligible at walang maiiwan sa PBB. Pinaalalahanan din niya ang mga opisina na alalahanin ang mga deadlines sa pagsusumite ng mga indicators para sa hinaharap na PBBs.
Habang hinihintay ang 2019 PBB, hinikayat ni Usec. Sevilla ang mga kawani na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa publiko at manatiling tapat, dedikado, at nakatuon ang suporta sa mga programa ng Kagawaran para sa mga mag-aaral at sektor ng edukasyon.
Source: DepEd Philippines
GOOD NEWS! DepEd 2019 PBB (March 16, 2021)
Reviewed by Teachers Click
on
March 16, 2021
Rating:
good morning maam/sir . very good news if it is true. very bad not true. salamat.
ReplyDelete