Kailan ba matatanggap ang PBB? Bakit ang tagal i-release nito? Nilinaw ng DepEd.


Binigyang linaw ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn M. Sevilla ang mga tanong ng karamihan sa mga empleyado ng kagawaran hinggil sa release ng Performance-Based Bonus (PBB) for Fiscal Year 2019. Marami kasi sa mga ito ang walang tigil sa pagtatanong kung kailan nga ba i-re-release ang nasabing bonus at kung ano nga ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Sa isang sagot ni Usec. Sevilla, nilinaw niya na hindi DepEd ang nag-ba-budget para sa PBB at makatatanggap lamang nito ang isang ahensya kung papasa ito sa Administrative Order 25 o AO 25.

"PBB is not budgeted in deped because you only get PBBonus when the AO25 task force has evaluated the agency eligible for PBB. Walang budget for PBB na kasama sa budget ng deped," pahayag ni Sevilla.

Binigyang diin rin ni Sevilla na hindi siya o DepEd ang nagdedesisyon kung mayroon bang PBB ang mga empleyado o wala.

"Hindi po ako or deped ang nag dedecide if may PBB tayo or Wala. Pls read the policy/guidelines on pbb to understand that it has a process and evaluation handled by a task force where deped is not a part of," dagdag niya.

Para naman sa eksaktong buwan o petsa ng release sa nasabing bonus, nilinaw niya na hindi ito masasagot ng DepEd dahil ang pondo nito ay nasa DBM at hindi DepEd ang nag-e-evaluate nito.

"Kelan ma receive? Deped cannot answer that bec Hindi nga tayo nag e-evaluate ng pbb at Wala ang pondo ng PBB sa deped. Nasa dbm po Yun.
Link to AO25 inter-agency task force in-charge of evaluating eligibility for PBB:
https://www.dap.edu.ph/rbpms/about/," aniya.


Kailan ba matatanggap ang PBB? Bakit ang tagal i-release nito? Nilinaw ng DepEd. Kailan ba matatanggap ang PBB? Bakit ang tagal i-release nito? Nilinaw ng DepEd. Reviewed by Teachers Click on March 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.