Sinimulan na ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga guro sa Koronadal City ngayong linggo.
Ito ay bahagi ng pagpupugay ng pamahalaang pang-lungsod ng Koronadal sa mga sakrispisyo at kontribusyon ng mga guro upang patuloy na maihatad ang dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa kanilang lugar lalo na sa panahon ng pandemya.
Bawat guro ay tatanggap ng P3,000 na cash incentive habang dagdag na P3,000 naman ang matatanggap ng lahat na mga teaching at non-teaching personnel sa Koronadal sa Nobyembre.
Dagdag pa sa cash incentive na ito, kinumperma din ni Koronadal City Mayor Eleordo Ogena na makatatanggap pa ng tablets ang lahat guro at senior high school sa kanilang lungsod sa darating na buwan ng Abril.
Mga guro sa isang lungsod tatanggap ng P3,000 cash incentive at libreng tablets
Reviewed by Teachers Click
on
March 21, 2021
Rating:
No comments: