Maraming salamat po kay Sen. Ramon Revilla and Sen. Joel Villanueva at kay ComSec. Jane Azardon sa pag-imbita sa ACT Philippines bilang tagapagsalita sa ginawang Senate hearing on LOWERING OF OPTIONAL RETIREMENT AGE FROM 60 YO TO 56 YEARS OLD.
Pagkatapos na maipasa ito sa Kongreso sa pangunguna ng ACT TEACHERS PARTY LIST.Nagsimula na sa Senado,kasama ang ACT PHILIPPINES, PPSTA, COURAGE , CSC,DBM at GSIS sa pagtalakay sa mga dahilan kung bakit yama at napapanahon na maibaba ang retirement age sa mga nais ng mag retire ng 56yo at kagyat na maibigay ang kanilang pension. Sinang-ayunan ito ng 2 dalawang senador at ng ibat ibang ahensya maliban sa GSIS na nagsabi na bababa ng 4 na taon ang Actuarial life mula 2044 to 2039-2040 batay sa kanilang 2019 finance update.
Mailinaw na nailatag ng ACT Philippines ang mga batayan sa pagpasa ng batas na ito.
1.May mga limitasyon na ang mga gurong senior citizen sa usapin ng pagkilos, kaalamang pang teknolohiya at, pag handle ng stress lalo na sa panahon ng pandemya.
2. Naihapag din natin ang kahirapan na makasabay ang mga senior teacher sa kalagayan ng edukasyon sa NGAYON, gaya ng laki ng class size, teaching hours, mga report etc na hirap na sila na imanage ito.
3. Bigyan natin sila ng option na makag retire,na pagkatapos nilang maibigay ang lakas at talino sa ating mga kabataan at sa edukasyon ang mahigit ng 3 dekada ng kanilang lakas at kabataan.
4.Bakit pwede ito sa mga pulis at militar , bakit hindi sa mga pampublikong EMPLEYADO?
5. Kung mag retire man ang ating mga senior ay mapapalitan din naman agad ito ng mga batang guro na naghihintay lang ng mga bakante at pagkakataon na makapagbigay din sila ng ambag sa mga kabataan at sa edukasyon.
5. Panghuli nasabi natin na ang " SERBISYO SA MGA MYEMBRO AY WAG GAWING NEGOSYO" .
Antabay po sa mga susunod na updates sa development ng LOWERING OF OPTIONAL RETIREMENT AGE sa susunod na senate hearing.
Para sa mga guro at bayan,
JOSELYN FEGALAN MARTINEZ
ACT Philippines
Source: ACT Philippines/QCPSTA Teachers
UPDATE ON LOWERING OPTIONAL RETIREMENT AGE TO 56
Reviewed by Teachers Click
on
March 11, 2021
Rating:
Teacher LNG poba o lahat ng employees ay kasama sa lowering age of retirement?
ReplyDeletesana po maapruban na ang 56 retirement dahil marami po kami na magreretire dahil po sa demend ng bagong technology hindi po kami mkahabol sa bilis ng trend ng modern educational system hindi po kami professionally educated pagdating sa mga details ng computer technology unlike the new grduates nagmumukha kaming tanga at laging huli sa mga reports at achievements pwera lang kung may mag aasist problema ka pa nila.
ReplyDeleteSalamat po sa mga authors...tama po iyon para po may pumalit na mga mas bata at IT savvy. Sana lang po maganda ang mga benepisyo na matatanggap ng retiree(56yo. Para naman mas ma enjoy ang retirement benefits nga mga retirees...more power po sa inyo...
ReplyDeleteSana nga poy maapruban na ito, siguro nmn po ay sapat ang 33 taong serbisyo s gobyerno. Talagang nhihirapan n po kming sumabay s new trend of technology in our educational system, npakabgal n po nming umintindi s mga bgay n ito n ngiging dahilan ng pagkksakit sanhi ng stress. Mas marami pong mga bgong guro n may sapat n kaalaamn n kailangan ng mga bta s ngaun. Ako poy isa s ngsusumamo n sanay maipasa n po ito sa senado at ng ma- enjoy nmn po nmin ang mga susunod pang mga taon/araw ng aming buhay. Maraming salamat po, more power & God bless po s inyong lhat.
ReplyDeleteEverywhere in the world retirement ages are being increased. So how will the country afford to pay more pensions at an earlier age?
ReplyDeleteApproved kc Hindi kami techi konti lang
ReplyDeleteSana ASAP. Gustoko nang magretire. Nahihirapan na akong sumabay dahil sa paggamit ng computer. Kung pwede lang sana ...
ReplyDeleteWe are hopeful that it will be approved this coming year 2022-2023.
ReplyDeleteSana mapadali na ito kasi hindi po ako makasabay s paggamit ng computer mahina kasi aq dito.
ReplyDeleteAlam na alam ng lahat ang sitwasyon natin ngayon..halos minu-minuto nasa wall mo na ang kandila dahil sa namamatay na mga kapwa mo guro...very stressfull ho ang trabaho ng isang teacher.Puro reports na ora orada ang pagpasa ma kung titngnan mo hindi naman gaanong essential sa teaching-learning process.Take note hindi gaano...sa napapansin ko..panay monitoring na kailangan ng nasa ITAAS..multi-tasking super...may pagkakataon pang 3 ang webinars na dapat sabay2 mong dadaluhan.Naiisip kaya nila ang actual scenario?Yung ikinagugupo ng katawan ng guro...hindi yung covid 19..yung stress po ng ating NEW NORMAL ayon sa tawag ninyo.
ReplyDeleteNapakaganda po nito. Sana naman ay maipasa na. Isama na rin na gawing 60 ang Mandatory Retirement. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Nawa ay pagkaingatan kayo ng ating Diyos. Ilayo sa lahat ng uri ng karamdaman at kapahamakan. MULI po ISANG TAOS PUSONG PASASALAMAT.
ReplyDelete