3-STEP REGISTRATION PROCESS for Philippine National ID


ALAM MO BANG MAKUKUHA MO ANG DIGITAL NATIONAL ID MO IN THREE EASY STEPS?

ALAMIN kung paano makapagrehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) 👇🏽

Step 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registration portal na magbubukas ngayong April 2021 👩‍💻

Dito kukunin ang sumusunod na impormasyon:
- Name
- Sex
- Date of birth
- Place of birth
- Blood type
- Address

At iba pang optional information tulad ng marital status, cell phone number, at email address.

Pagkatapos mag-input ng kailangang impormasyon, maaari na rin kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa registration center na malapit sa inyong lugar!

Step 2: Pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting documents 👍🏽👁️📷

Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number para sa hakbang na ito!

Para sa listahan ng supporting documents na maaaring dalhin [no. 7]: https://psa.gov.ph/philsys/faqs

Step 3: Issuance ng PhilSys Number (PSN) at PhilID 🆔

Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon.

Kung merong concern o tanong, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na feedback channels:

Email: info@philsys.gov.ph
Facebook: m.me/PSAPhilSysOfficial
Hotline: 1388 (fees may apply)

Sama-sama tayo sa pagsulong para sa isang makabagong Pilipinas! Heto na ang PhilSys - #IDNatin 'to!



3-STEP REGISTRATION PROCESS for Philippine National ID 3-STEP REGISTRATION PROCESS for Philippine National ID Reviewed by Teachers Click on April 27, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.