Nauuso ngayon ang pagtatayo ng mga community pantry upang magbigay ng pantawid tulong para sa ating mga kababayan na labis na naaapektuhan ng kasalukuyang krisis bunsod pa rin ng pandemya. Kadalasan ay mga pagkain tulad ng delata, noodles, at mga lutuing gulay ang ipinamamahagi sa mga community pantry. Subalit isang grupo sa San Jose Del Monte Bulacan ang nagbigay ng kakaiba o unique na konsepto para sa isang community pantry.
Mula sa grupo na pinangunahan ni Sir Rommel Paradeza ng Citrus National High School, mga punla o pananim ang kanilang ipinamamahagi na may tag line na "KUMUHA NG KAYANG ITANIM AT ALAGAAN, PARA SA IYONG PANGANGAILANGAN."
Photos Courtesy of Drew
Ang kanilang proyektong ito ay tinatawag nilang "Punla sa Paaralan, Patungo sa Tahanan Project," na naglalayong makatulong sa kanilang mga kababayan na paunlarin ang kanilang kasanayan sa pagtatanim o paghahalaman na isa sa mga susi upang magkaroon ng makakain sa kanilang mga hapag sa araw-araw.
Marami ang natuwa at pumuri sa proyektong ito dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan na maging responsable at masipag sa pagtatanim na magbibigay ng pagkain sa kanila sa mga darating na panahon.
Photos Courtesy of Drew
"Kumuha ng kayang itanim at alagaan, para sa iyong pangangailangan"
Reviewed by Teachers Click
on
April 24, 2021
Rating:
No comments: