Pangunahing pinaglalaanan ng sahod ng mga guro


Maraming sa mga kabataan ang nangangarap maging guro balang araw. Ito ay dahil sa magandang halimbawa na ipinakikita mismo ng kanilang mga guro at ang karunungan at pagkalinga na ibinibigay ng bawat isa sa kanila kung kaya't hindi na nakapagtataka na marami ang humahanga at nangangarap maging guro.

Ngunit sa kabilan nito, hindi biro ang dinaranas na hirap ng mga guro pagdating sa usapang pinansyal. Ayon mismo sa mga guro, madalas ay hindi sumasapat ang kanilang buwanang sahod sa mga kailangan bayaran o pang tustos sa kanilang pamilya. Ito rin ang dahilan kung bakit may mga grupo ng mga guro na patuloy na isinusulong ang nararapat na pagtataas ng sahod nila upang mamuhay sila ng naaayon sa kanilang trabaho.

Narito ang ilan sa mga pangunahing pinaglalaanan ng sahod ng mga guro:

1. Buwanang konsumo ng pamilya. Kasama na dito ang pagkain, upa o hulog sa bahay, electric/water/internet bills, at iba pa. Marami sa mga guro ang nahihirapan na pagkasiyahin ang kanilang sahod dito pa lamang sa buwanang gastusin ng pamilya.

2. Pag-aaral ng mga anak. Para sa mga guro na may 2 o higit pang anak, hindi madali ito lalo na kung sabay sabay na silang nangangailangan ng tulong pinansyal lalo na ang mga nasa kolehiyo. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga guro ang napipilitang mangutang maitawid lamang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

3. Gastusing pampaaralan. Marahil ay marami ang magsasabi na mayroon namang cash allowance ang mga guro upang gastusin sa mga pangangailangan sa pagtuturo. Tama 'yun, ngunit batay sa kanilang karanasan ay talaga namang kulang ang allowance na ito upang tutusan ang mga kakailanganin ng mga guro para sa isang taong pagtuturo. Nariyan ang pagbili ng sarili nilang device tulad ng laptop o computer, printer, at kung anu-ano pa. Bukod pa riyan ang pag-aayos nila ng kanilang mga silid-aralan upang maging kaaya-aya ito sa kanilang mga mag-aaral at maging mas maayos ang kanilang pag-aaral.

4. Career Growth or Professional Development. Isa ito sa mga pinaglalaanan ng mga guro dahil dito rin nakasalalay ang pagtaas ng kanilang posisyon at sahod. Hindi ito madali sa karamihan sa mga guro dahil kakailanganin nilang maghanda ng sapat na pondo upang matapos ang kanilang mga graduate studies.

Ilan lamang ang mga ito sa mga pangunahing pinaglalaanan ng sahod ng mga guro at nagpapatunay na ang kanilang piniling propesyon ay hindi lamang tungkol sa komportableng buhay bagkos ay sa tunay na serbisyong publiko na makatutulong sa pag-unlad ng kabataang Pilipino at ng bansa.

Pangunahing pinaglalaanan ng sahod ng mga guro Pangunahing pinaglalaanan ng sahod ng mga guro Reviewed by Teachers Click on April 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.