Planong 6 weeks na bakasyon, hindi sapat para sa mga guro at estudyante

Hindi sasapat ang plano ng DepEd na anim na linggong bakasyon para makapagpahinga ang mga guro at estudyante. Ito ay ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro matapos i-anunsyo ng kagawaran ang plano nitong pagpapaikli sa bakasyon mula sa dating dalawang (2) buwan.

Aniya, hindi mga makina ang mga guro at estudyante para bigyan lamang ng anim (6) na linggong bakasyon at simulan agad ang kasunod na school year sa August 23, 2021.

Sa nararanasan ngayon ng mga guro, hindi biro ang sakripisyo na ibinibigay nila upang makapagbigay ng tuloy-tuloy na edukasyon sa ating mga kabataan.

Matatandaan na ipinaglalaban din ng grupo na mabigyan ng overtime pay ang mga public school teachers dahil sa sobra na nilang pagbibigay ng serbisyo na nagsimula pa noong June ng nakaraang taon.


Planong 6 weeks na bakasyon, hindi sapat para sa mga guro at estudyante Planong 6 weeks na bakasyon, hindi sapat para sa mga guro at estudyante Reviewed by Teachers Click on April 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.