Sapat na Sahod Para sa mga Guro, Patuloy na Isinusulong


Patuloy na isinusulong ng mga mambabatas ang pagbibigay ng sapat sa buwanang sahod sa mga guro at mga non-teaching personnel ng Kagawaran ng Edukasyon upang komportable nilang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

Sa ilalim ng House Bill No. 5990 ni Hon. France L. Castro kasama ang iba pang mambabatas, isinusulong na itaas ang minimum salary ng mga guro sa Salary Grade 15 mula sa dating Salary Grade 11. Ganoon din ang mga guro sa Higher Education sa Salary Grade 16 mula sa dating Salary Grade 12 at ang mga non-teaching personnel sa P16,000 kada buwan.

Binigyang diin na ang dagdag sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law V na tatakbo hanggang 2023 ay hindi sasapat sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at ang buwis na kaakibat nito. At kung ikukumpara sa sahod ng mga uniformed personnel ay sadyang malayo ang agwat ng kanilang mga sahod.

Ayon sa mga mambabatas, ang patuloy nilang panawagan at pagsusulong na maisabatas ito ay upang mabigyan ng nararapat at komportableng pamumuhay ang mga guro na hindi matutumbasan ang sakripisyo upang makapaghatid ng karunungan sa mga mag-aaral ng bansa.

Sapat na Sahod Para sa mga Guro, Patuloy na Isinusulong Sapat na Sahod Para sa mga Guro, Patuloy na Isinusulong Reviewed by Teachers Click on April 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.