Sa katatapos lamang na pag-uusap ng ACT at GSIS EVP, Atty. Nora Malubay, binigyang linaw ang ibibigay na tulong sa mga active GSIS members na nagka-COVID 19.
Basahin ang usapan sa pagitan ng Joselyn Martinez ng ACT at Atty. Nora hinggil dito:
Katatapos lang po naming mag usap ni GSIS EVP Nora Malubay tungkol sa 30K na tulong sa mga guro na nagka covid, inilinaw po natin ang mga SUMUSUNOD:
ACT: Tama po ba na LAHAT ng active Gsis members na nagka covid ay makakatanggap ng 30k?
Atty Nora: Yes, Basta work related kaya sya nagka COVID.
ACT: Ang memo po namin ay WFH kami, pero pumupunta po kami sa school para kumuha at mamigay ng modules, home visitation, Pasok po din po ba ito?
Atty Nora: Oo,Basta pagawin lang ang head na na work related ang pagkakaroon NYO ng covid.
ACT: Pano po ung sinasabi ng ilan na EC pensioners lang makakauha nito?
Atty Nora: Ang EC pensioners na nagka covid ay makakakuha ng 20K dahil nabigyan na namin SILA ng 10K,DAGDAG KO LANG NA MAGPASA MUNA ANG TEACHERS NA NAGKA COVID SA ECC PARA MAKATANGGAP MUNA SILA NG 4K AT ISUSUNOD ANG 30K.
ACT: TLAGA PO, SALAMAT PO. Sana po ay hindi na pahirapan ang mga nag ka COVID dahil nabaon talaga SILA sa utang at walang nakuhang ayuda .kahit sa Philhealth.
Atty Nora: Magsasalita ako bukas sa CNN tungkol dito.
Sana po ay makatulong sa LAHAT, ginawa ko na lang Q and A para mas madali pong intindihin.
Para sa Guro at Bayan
JOSELYN FEGALAN MARTINEZ
ACT PHILIPPINES
Source: QCPSTA / ACT Philippines
Mga public school teachers na nagka-COVID, makatatanggap ng P30,000 na tulong mula sa GSIS
Reviewed by Teachers Click
on
May 04, 2021
Rating:
No comments: