Sen. Go iginiit na hindi kailangan madaliin ang pagbubukas ng SY 2021-2022

Binigyang diin ni Senator Christopher Bong Go na huwag madaliin ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year 2021-2022. Ayon sa kanya, hindi pa tiyak ang unang plano na pagbubukas ng klase sa Agosto 23 dahil dadaan pa ito sa IATF at ang pangulo ang magbibigay ng pinal na desisyon hinggil dito.

“Hindi pa naman sigurado ‘yan dahil for approval pa po ‘yan ng IATF at ng Pangulo,” wika ni Go.

Sinabi rin ng senador na kailangang bigyan ng panahon ang mga guro na makapagpahinga at upang maiwasan na rin ang posibilidad na magkahawahan.


“Ako naman po huwag po tayo masyadong magmadali. Bigyan natin ng kaunting espasyo ang ating mga guro dahil mahirap po sa panahong ito kapag mayroon pong nagpositibo na isang guro o estudyante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil nakapokus ngayon sa pagbabakuna,” dagdag niya.


“Iwasan po natin na may magkahawahan, bigyan muna natin ng kaunting space ang mga guro na makapagpahinga o makapag-adjust muna dahil alam nating hirap na hirap sila sa pag-aadjust sa ating new learning system via virtual,” diin ng senador.


Sen. Go iginiit na hindi kailangan madaliin ang pagbubukas ng SY 2021-2022 Sen. Go iginiit na hindi kailangan madaliin ang pagbubukas ng SY 2021-2022 Reviewed by Teachers Click on May 05, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. Extention of Gsis loan payment or Refund can help for all teachers

    ReplyDelete

Powered by Blogger.