Bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangangailangan ng mga guro para sa kanilang pagtuturo ay inanunsyo nito ang pagbibigay ng P5,000 cash allowance mula sa dating P3,500 sa bawat pampumlikong guro sa bansa.
Ang cash allowance na ito ay para sa darating na SY 2021-2022 sa ilalim ng Joint Circular mula sa DepEd at DBM na nagtatakda ng mga alituntunin para sa implementasyon ng DepEd-Office of the Secretary Special Provision No. 11 in the Fiscal Year 2021 General Appropriations Act (GAA) on Cash Allowance.
Ibibigay ang Cash Allowance sa mga nararapat na mga pampublikong guro na hindi mas maaga sa opisyal sa pagbubukas ng taon ng pag-aaral (not earlier than the official start of every school year), o naaayon sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon o itinalagang mga awtoridad sakaling may mga emergencies.
“Importante po na magkaroon tayo ng desisyon kung kailan yung susunod na school year calendar dahil ihahanda din po namin sa finance ang pagbibigay ng cash allowance para sa ating mga guro", wika ni DepEd Usec. Annalyn M. Sevilla.
Kailan nga ba ibibigay ang P5,000 Cash Allowance para sa mga guro?
Reviewed by Teachers Click
on
June 14, 2021
Rating:
No comments: