Pamamahagi ng 2019 PBB para sa mga guro, pinabibilis na ng DepEd


Nakikipagtulungan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa Department of Budget and Management (DBM) upang mapabilis ang pamamahagi ng 2019 performance-based bonus (PBB), pagbabahagi ni Kalihim ng Edukasyon Leonor Briones noong Miyerkules.

Inilabas ang pahayag makaraan ang AO25 Secretariat of the Interagency Task Force (IATF) on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting System ay nagpadala ng sulat ng pagpapatunay sa DepEd noong Mayo 31, 2021.


“Even before the pandemic, we have constantly communicated with the DBM and AO25 IATF to ensure that our teachers and personnel will receive benefits and allowances due to them. They have been working tirelessly in delivering quality education and service amidst the challenges of the pandemic,” ani Kalihim Briones.

Naipadala na ng DBM-OPCCB ang FY 2019 PBB ng mga elementarya at sekondarya na mga paaralan sa labing dalawang (12) mga Regional Offices CAR, NCR, I, III, IV-A, V, VI, IX, X, XI, XII, at CARAGA ng DepEd sa mga DBM ROs concerned para sa  processing at issuance ng mga kaukulang SARO ng PBB.

Dagdag pa rito, ang Region IV-B, VII, at VIII ay kasalukuyang sinusuri muli ng DBM – CO samantalang ang Region II ay na-validate na ng DBM – Central Office at ito ay ipadadala sa DBM – Regional Office para sa pagpapalabas ng SARO.

Samantala, inaasahan ng Kalihim ng DepEd na ilalabas na ang PBB funds para sa lahat ng nagtuturo at karamihan sa mga tauhang hindi nagtuturo sa loob ng darating na dalawang buwan, sang-ayon sa pinal na aaprobahan ng DBM.


“We thank our AO25 IATF colleagues for recognizing the Department’s efforts in pushing for concrete and visible reforms to better serve our Filipino learners and stakeholders. We will continue to work with DBM in endorsing, processing, and eventually, releasing the PBB funds as part of our outstretched assistance to all DepEd employees,” dagdag ni Briones.

Ang PBB ay isang insentibo na binibigay sa mga kawani ng gobyerno na naaayon sa kanilang pagganap at kontribusyon sa tagumpay ng kanilang ahensya sa pangkalahatang mga target at mga commitments.
Para sa 2018 hanggang 2020, nagtakda ang Results-Based Performance Management System (RBMPS) ng pamantayan para sa PBB base sa resulta na may kapakinabangan at ayon sa iba’t ibang stakeholders. Partikular, ang 2019 PBB ay ini-highlight ang pangangailangan para sa streamlining at process improvement ng ahensya sa mga kritkal na serbisyo at puna ng kliyente at satisfaction survey.

Upang matiyak ang pagsunod, sinabi ni Briones na nagsagawa ng mga paraan ang DepEd tulad ng pag-institutionalize ng national quality management system sa lahat ng mga governance level nito, pagsunod sa pamantayan ng gobyerno, pagpapaunlad ng mga kakayahan upang maging seamless ang pagbibigay ng serbisyo publiko, at pagpapabuti ng pagganap at pagiging produktibo ng mga indibidual ng ahensya.

Ang mga hakbang na ito ay kinilala ng AO25 IATF, na binibigyang-pansin na ang Kagawaran ay nagawang makasunod sa 13 sa 15 good governance indicators.

Habang ang IATF ay pumayag sa pagpapalabas ng 2019 PBB sa lahat ng mga guro at karamihan sa mga kawani, may ilang empleyado ng DepEd ang nahiwalay at itinuring na hindi karapat-dapat na makatanggap ng taunang bonus dala ng non-compliance sa APP non-CSE at EPA indicators.

Ang DepEd Central Office ay kasalukuyang tinatapos ang mga performance ranking reports para sa SDOs, ROs, at Cos bago ito isumite sa DBM at AO25 Secretariat.

“Nevertheless, the teaching and non-teaching personnel shall receive the PBB upon arrival receipt of the downloaded budget and the completion of pertinent documents,” pagbibigay-diin ni Briones.
Kaniya ring pinariinan na ang pagkamit sa PBB requirements ay isang pangako at pagbabahagi ng responsibilidad ng lahat ng mga kinauukulang tanggapan sa kabuuan ng DepEd Central, Regional, Schools Division Levels Offices, at mga paaralan.

“In the coming years, let's work together in order to comply with all the indicators and aim for 100% eligibility to provide quality basic education services for all,” saad ni Briones.

Source: Department of Education

Pamamahagi ng 2019 PBB para sa mga guro, pinabibilis na ng DepEd Pamamahagi ng 2019 PBB para sa mga guro, pinabibilis na ng DepEd Reviewed by Teachers Click on June 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.