Nagbigay kasiguraduhan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa publiko na ang pagpapatupad ng Senior High School Voucher Program (SHS VP) ay magpapatuloy sa Taong Panuruan 2021-2022. Nakatuon ang DepEd na tiyakin ang patuloy na implementasyon ng SHS VP pati na rin ang mga ibang programa ng Government Assistance and Subsidies, sa pagkakataon na ang pondo ay magiging available sa DepEd.
Ang mga kwalipikadong mag-aaral na nasa ilalim ng mga sumusunod na kategorya ay hindi na kailangan na mag-apply para sa SHS VP dahil sila ay kinonsidera na kwalipikado na. Ang mga mag-aaral na ito ay makatitiyak na makakakuha ng kanilang vouchers para sa Grade 11 sa SY 2021-2022.
• Mga mag-aaral na nakakumpleto/kukumpletuhin ang Grade 10 sa SY 2020-2021 sa mga pampublikong paaralan ng DepEd;
• Mga mag-aaral na nakakumpleto/kukumpletuhin ang Grade 10 sa SY 2020-2021 sa SUCs at LUCs; at
• Mga mag-aaral na nakakumpleto/kukumpletuhin ang Grade 10 sa SY 2020-2021 sa mga pribadong paaralan na mga Education Service Contracting (ESC) grantees.
Naghahanda na rin ang Kagawaran sa pagbukas ng aplikasyon sa online voucher para sa darating na mga mag-aaral ng Grade 11 na nakapasa sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test for Junior High School level na hindi mas maaga sa 2016, mga ALS learner na nakapasa sa Portfolio Assessment, at mga mag-aaral na nakapasa sa Philippine Educational Placement Test (PEPT) para sa Grade 10, sa kundisyon na ang mga mag-aaral na ito ay hindi pa dati nakapag-enrol sa Grade 11.
Ang aplikasyon sa voucher para sa mga tutuntong sa Grade 11 na mag-aaral na nakakumpleto ng Grade 10 sa mga private junior high schools, na hindi mga grantees sa ilalim ng DepEd ESC Program ay magbubukas ayon sa tagubilin ng DepEd at sa oras na matanggap na ng DepEd ang karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management o sa mga pagkakataon na magpapahintulot sa DepEd na mapaunlakan ang dagdag na mga benepisaryo ng voucher program. Ang DepEd ay mahigpit na nakikipagtulungan sa mga may kinalamang opisina para sa kahilingan sa karagdagang pondo.
Ang detalyadong mga patnubay sa pagsasagawa ng SHS Voucher Application para sa SY 2021-2022 ay makikita sa mga websites at iba pang opisyal na mga platform ng DepEd at ng Private Education Assistance Committee (PEAC).
Source: DepEd Philippines
Aplikasyon sa Senior High School Voucher para sa Taong Panuruan 2021-2022
Reviewed by Teachers Click
on
July 16, 2021
Rating:
No comments: