DepEd Announces the Official Opening Date for SY 2021-2022 as approved by Pres. Duterte

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚
𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗿𝘂𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟭-𝟮𝟬𝟮𝟮

Hulyo 16, 2021 - Ipinababatid ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Setyembre 13, 2021 bilang unang araw ng Taong Panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan, mula sa mga inirekomendang petsa ni Kalihim ng DepEd Leonor Magtolis Briones.

Ipinaabot namin ang aming pasasalamat sa Pangulo sa kaniyang buong suporta sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa darating na taong panuruan sa porma ng blended learning.
Ilalabas naman namin ang school calendar para sa SY 2021-2022 sa lalong madaling panahon. Umaasa kami sa patuloy na pakikiisa at suporta ng aming stakeholders habang tayo ay naghahanda sa panibagong mga hamon ngunit napakahalagang hakbangin upang turuan ang ating mga kabataan sa gitna ng pangdaigdigang krisis sa kalusugan.


DepEd Announces the Official Opening Date for SY 2021-2022 as approved by Pres. Duterte DepEd Announces the Official Opening Date for SY 2021-2022 as approved by Pres. Duterte Reviewed by Teachers Click on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.