ENTABLADO MO, HATID KO! (entabladong de gulong)


Isang Kindergarten Moving-Up Ceremony ang viral ngayon sa social media dahil sa kakaibang pagsasagawa nito na hinangaan ng maraming guro, magulang, at netizens.

Isinagawa ni Ma'am Mae dela Cruz, guro ng Kindergarten sa Luna Elementary School sa Davao del Norte, ang kanilang Moving-Up Ceremony sa pamamagitan ng pagamit niya ng kanyang pick-up truck.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng DepEd Region XI na kasiya-siya nilang isinagawa ang kakaibang ceremony sa likuran mismo ng sasakyan ni Ma'am Mae.


Ayon sa kanya, naisipan niya itong gawin upang matulungan ang kanyang mga mag-aaral na maranasan ang pagtungtong sa entablado at makunan ng litrato ng mga magulang ang kanilang mga anak bilang alaala.

Lubos din ang kaligayahan ng mga mag-aaral ni titser Mae dahil hindi nila inakala na makakarating sa kanilang malayong lugar ang kanilang guro na may dala pang entabladong de gulong.


Mabilis namang nag-viral ang post na ito at libo-libong netizens ang nagpakita ng kanilang paghanga sa kakaibang moving-up ceremony na ito na tunay na nagdala ng ngiti at pag-asa sa mga mag-aaral kahit nasa malalayo silang lugar.




ENTABLADO MO, HATID KO! (entabladong de gulong) ENTABLADO MO, HATID KO! (entabladong de gulong) Reviewed by Teachers Click on July 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.