Mga guro kailangan ng bakasyon para makapag recharge


Sa loob ng mahigit isang taon, ipinakita ng mga guro ang kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kahit na walang face-to-face classes na naganap.

Matatandaan na nagsimulang magrender ng kanilang serbisyo ang mga guro noong Hunyo 2020 at mula noon ay sunod-sunod na mga pagsasanay na kanilang ginawa bilang paghahanda sa tinatawag na "distance learning" na nahahati sa iba't ibang pamamaraan, at ang printed modular distance learning nga ang ginamit ng maraming paaralan sa bansa.

Nang mag-umpisa ang klase noong Oktubre 2020, hindi na napahinga ang mga guro sa paghahanda ng mga Self-learning Modules o SLMs, Learning Activity Sheets (LAS), at iba pang mga kagamitan sa pagkatuto na kailangan nilang ibigay sa mga mag-aaral. Dagdag pa riyan ang tambak na mga activity sheets na halos araw-araw nilang iniwawasto kasabay ng pagtugon sa mga katanungan ng mga magulang at mag-aaral hinggil sa mga gawain na kailangang gawin o sagutan.

Regular ding kinumukusta ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng messenger, texts, tawag, at minsan pa ay binibisita nila ang mga ito lalo na ang mga nangangailangan ng tulong sa pag-aaral.

Linggid sa kaalaman ng lahat, mas marami ang ginagampanang trabaho ng mga guro ngayon kumpara sa dating face-to-face classes. At kung tatanungin ang mga guro, mas pipiliin nila na ang face-to-face classes nang sa ganun ay matutukan nila ang bawat bata sa kanilang pag-aaral.

Kaliwa't-kanan man ang mga pagsubok na kinaharap ng mga guro tulad ng kakulangan ng mga printed modules at limitadong mga kagamitan gaya ng printers at papel, hindi ito nakahadlang upang magampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa paggabay na rin ng Kagawaran ng Edukasyon at mga namiminuno nito.

Sa kasalukuyan ay mahigit labindalawang buwan na na nagtatrabaho ang mga guro at marami sa kanila ang hinihintay na ang bakasyon na kung saan ay makapagpapahinga sila at makakapagre-charge bago mag-umpisang muli ang susunod na taong panuruan.

Ilan sa mga nais gawin ng mga guro upang makapag recharge at makapag-enjoy ay ang mga sumunusod:

1. Manatili sa bahay, manood ng mga pelikula o palabas sa netflix, kumain kasama ang pamilya at i-enjoy ang kwentuhan na walang iniintinding gawaing pampaaralan.

2. Magpunta sa beach o resort upang mag unwind.

3. Makapasyal sa magagandang lugar kasama ang pamilya.

4. Maisaayos ang kanilang mga bahay o mapaganda pa ito.

5. Magre-connect sa mga taong mahahalaga sa kanilang buhay.

Mga guro kailangan ng bakasyon para makapag recharge Mga guro kailangan ng bakasyon para makapag recharge Reviewed by Teachers Click on July 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.