Mga guro wala na nga bang bakasyon? Mga trabaho na kailangan gawin ng mga guro kahit bakasyon.


Kamakailan lang ay nag-viral ang paliwanag ng isang opisyal ng DepEd na ang mga guro ay naka-bakasyon mula July 19 hanggang September 12, 2021. Ayon sa kanya at hindi required na magreport ang mga guro sa school o kahit work from home man ito. Kung sakaling may kailangan report at trabahong kailangan gawin ay dapat ipagpaalam muna ito sa SDS at kailangan ay may permit o memorandum ito.

Marami ang natuwa sa paliwanag na ito ng opisyal ngunit marami rin ang naglabas ng saloobin na malayo ito sa reyalidad.

Ayon sa mga guro, malabo na hindi sila magreport o magtrabaho mula July 19 hanggang September 12 dahil napakarami pa nilang kailangan ipasa o tapusin.

Ilan sa mga trabaho na inihayag ng mga guro ay ang mga sumusunod:

1. Checking of Forms
2. Accomplishing RPMS Portfolio
3. Accomplishing LDM2 Practicum Portfolio
4. Other School Reports
5. Enrollment & Preparation for the Opening of Classes

May ilan guro din ang nagsabi na may palisagsahan pa ngayong buwan ng July (Nutri Jingle) at sa darating na August (Buwan ng Wika).

Hindi pa dito kasama ang mga posibleng webinars o training na kailangan daluhan ng mga guro bilang paghahanda sa darating na pasukan sa September 13, 2021.

Sa kabila nito ay hinangaan naman ng mga netizens ang mga guro dahil sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho.

Daing ng mga guro na mabigyan nawa sila ng nararapat na bakasyon upang makapagpahinga sa halos 13 buwan nilang pagtatrabaho. 

Mga guro wala na nga bang bakasyon? Mga trabaho na kailangan gawin ng mga guro kahit bakasyon. Mga guro wala na nga bang bakasyon? Mga trabaho na kailangan gawin ng mga guro kahit bakasyon. Reviewed by Teachers Click on July 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.