Estudyante na hindi umabot sa remmitance center para kunin ang padala, binigyan ng pera ng security guard
Isang nakakahangang social post ang nag-viral dahil sa kabutihan ng isang security guard nang bigyan nito ng pera ang isang estudyante na nasarahan ng remittance center upang kunin sana ang padala sa kanya.
Ayon sa post ni Snipher Prince, hindi siya umabot sa remittance center dahil sarado na ito nang siya ang dumating.
Sa kanilang pag-uusap ng security guard, makikita ang pagkahabag sa kanya ng sekyu at inabutan pa nga siya ng isang daang piso upang may pang bili siya ng pagkain hanggang sa susunod na araw na makuha na niya ang padala.
Ayon pa post, nagwika pa ang sekyu na ibalik na lamang sa kanya ang nasabing pera kapag successful na siya.
Nakaka inspired ka namn manong guard...ung time na pag dating mo ng palawan..sarado na.at guard nlng ang natira..nakakataba ng puso ksi sabi sabi nya.
Guard.....to, ga board ka iya?(Iho, nag boboard ka ba dtu?)
Ako.....oo sir..
Guard.....hay paalin.sarado eot a..(eh pano yan..sarado na..)
Ako..cge lng sir wat problema(Okay lng po sir, walang problema)
Guard.....hai paano ing pang suea duna.may bugas kapat ing mn?(naku..paano mamaya ang pang ulam mo?may bigas kpa namn na lulutuin mo mamaya?)
Ako.....ok lng sir .sang gabiie lng mn.(Okay lng po sir.isang gavi lng namn..)
Guard.....balik lng naga tu .(Ah cge..balik ka nlng tom..hu.)
Tapos .....tumayo lng muna ako and after ng ilang minuto..may inabot sya skin..sabi nya..
Guard...." Tu oh...bsi wa kat ing ihapnon duna balik mo galing kakun dun pag maging successful ka eon."(eho oh, tanggapin mo to pang hapunan mo mamaya..balik mo nlng sakin yan pag maging successful kna .)
Dko lng alam maging reaction ko...pero isa lng masasabi ko sayu ..isa kang mabuting tao manong Guard..wala sa halaga ng ung ibinigay ang naka tulong sakin kundi ung wagas ng pagkatao mo
Mostly sa mga gatueoon sa new Washington, kilaea maw ra dahil sa ana nga mayad nga pakikisama
#palawannewwashingtonbranch💓
Photo Credits to Snhipher Prince
Estudyante na hindi umabot sa remmitance center para kunin ang padala, binigyan ng pera ng security guard
Reviewed by Teachers Click
on
September 19, 2021
Rating:
No comments: