Maulan at maputik, ito ang naging karanasan ng ilan sa mga guro sa pagbubukas ng taong panuruan 2021-2022.
Sa ibinahaging mga larawan ni Teacher MiChelle Buquiran-Miguel sa social media, makikita ang maputik na daan at maulang panahon na kinailangan nilang lagpasan marating lamang ang kanilang paaralan.
Photos Courtesy of MiChelle Buquiran-Miguel
Matapang itong sinuong ng mga guro bilang pagtugon sa hamon ng kanilang propesyon at nilagyan ng tagline na "ULANG KA LANG, TEACHER KAMI".
Agad nag-viral ang post na ito ni Ma'am MiChelle at maraming netizens ang sumaludo at hinangaan ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong pang-edukasyon para sa ating mga kabataan.
ULAN KA LANG, TEACHER KAMI
Reviewed by Teachers Click
on
September 14, 2021
Rating:

No comments: