Bilang pagkilala at pagsuporta sa dedikasyon ng mga bayaning guro sa bansa, sinimulan nang ipamahagi ang nakatandang Worl Teachers' Day Incentive Benefit para sa bawat pampublikong guro.
Sa isang post na ibinahagi ng Quezon City Public Schools Teachers Association o QCPSTA, inilahad nila ang kanilang pasasalamat dahil maaga nilang natanggap ang nasabing benepisyo na nagkakahalaga ng P1,000 sa bawat guro.
Pinasalamatan nila ang kanilang SDO sa pangunguna ni SDS Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz at mga non-teaching personnel para sa mabilis na pagproseso nito.
Samantala, tiniyak naman ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla na nakahanda na ang pondo dito at matatanggap na ito ng mga guro sa buong bansa mula October 5, 2021.
Source: QCPSTA FB Page
1,000 World Teachers' Day Incentive sinimulan nang ipamahagi sa mga guro
Reviewed by Teachers Click
on
October 04, 2021
Rating:
No comments: