Pasado na sa Senado ang 2022 DepEd Budget na nagkakahalaga ng P629.8 bilyon. Ipinasa ng Senate finance sub-committee nitong Lunes, Nobyembre 22, ang nasabing budget na mas mataas ng 6% sa nakaraang taon na budget.
Isa sa mga masusing tinalakay sa ginanap na deliberasyon ng budget ang pagpapalawak ng ligtas na face-to-face classes. Kasama din sa tinalakay ang pagpapalakas ng teacher education sa bansa.
Si Sen. Pia Cayetano ang tumayong budget sponsor ng DepEd na binigyang pugay ang kagawaran sa pamumuno ni Sec. Briones sa patuloy na pagsusulong ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa bansa.
Photo Courtesy of DepEd Usec. Annalyn Sevilla
Photo Courtesy of Senate of the Philippines
DepEd 2022 Budget pasado na sa Senado
Reviewed by Teachers Click
on
November 23, 2021
Rating:
No comments: