Kasabay ng dahan dahan na pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa ang paghahanda ng mga paaralan sa kabilang sa pilot implementation nito. Ang tanong ng marami, kailangan ba talaga ang mga plastic barriers sa loob ng silid-aralan?
Nilinaw ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi requirement ang paglalagay ng mga plastic barriers sa silid-aralan sa pagsasagawa ng pilot implementaion ng face-to-face classes.
Binigyang diin ni Nepomuceno na hindi kasama ang paggamit ng plastic barriers sa inilatag na guidelines ng DepEd at DOH.
"Ito pong tungkol sa plastic barriers, sa totoo ay wala po iyan sa ating joint guidelines," wika ni Malaluan sa isang panayam.
Ipinaliwanag rin ni Malaluan na maaaring makasagabal pa ang mga plastic barriers sa airflow sa loob ng silid-aralan. Mas makabubuti na umano na may maayos na ventilation at estriktong nasusunod physical distancing at iba pang health protocols.
DepEd nilinaw ang paggamit ng plastic barriers para sa face-to-face classes
Reviewed by Teachers Click
on
December 09, 2021
Rating:
No comments: