Private school teachers sa isang bayan sa Quezon Province tumanggap ng P2,000 cash inventive


Isang mapagpalang pasko ang sumalubong sa mga private school teachers sa General Luna, Quezon Province nang sila ay tumanggap ng tulong pinansyal mula sa kanilang Local Government Unit.

Ibinahagi ni General Luna Municapal Mayor, Hon. Matt Florido, ang pamaskong handog ng kanilang LGU para sa mga private school teachers noong December 24, 2021.

"PHP 2,000.00 EACH PARA SA PRIVATE SCHOOL TEACHERS NG BAYANG MAY PUSO," wika ni Mayor Florido.

Lubos naman itong ikinatuwa ng mga nasabing guro at ipinaramdam ang kanilang pasasalamat kay Mayor Florido at sa buong pamahalaang lokal ng General Luna.

"Abot pa po bago mag pasko! Bukas po, December 24, 2021 ng 1pm, kahit wala ng pasok ay iintayin po namin kayo sa Treasurer's Office para kunin ang tulong ng ating Lokal na Pamahalaan.  Merry Christmas po!," dagdag ni Mayor Florido.

Ikinatuwa din ito ng maraming netizens dahil nabigyang pansin ang mga guro sa mga pribadong paaralan na nangangailangan din ng nasabing tulong pinansyal.



FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS

(Updated for SY 2021-2022)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN (WHLP)

DOWNLOAD

SUMMATIVE TESTS (With Answer Keys)

DOWNLOAD

PERFORMANCE TASKS (With Rubrics)

DOWNLOAD



Private school teachers sa isang bayan sa Quezon Province tumanggap ng P2,000 cash inventive Private school teachers sa isang bayan sa Quezon Province tumanggap ng P2,000 cash inventive Reviewed by Teachers Click on December 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.