Sa nalalapit na 2022 National at Local Elections, ipinapahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagpapahalaga nito sa Commission on Elections (COMELEC) para sa pagbibigay ng adjustments sa honoraria at allowances para sa ating mga guro sa pampublikong paaralan at poll workers na maninilbihan sa Mayo 2022.
Gayunpaman, nananatili tayong matatag sa pagtulong sa COMELEC upang makakuha ng mas mataas na budget mula sa Kongreso para makapagbigay ng karagdagang benepisyo para sa ating DepEd personnel.
Sa pagbuo ng dagdag na proteksyon para sa ating personnel at mga paaralan sa gitna ng pandemya, bibigyan natin ng suporta ang Komisyon sa pagbibigay-katwiran sa mga sumusunod na benepisyo:
a. Pagkakaloob ng Special Risk Allowance (SRA) na katumbas ng hindi lalampas sa 25% ng buwanang pangunahing sahod/bayad
b. Makayanan ang food at water allowance na nagkakahalagang P1,000.00 kada araw;
c. Health Insurance Coverage para sa mga mahahawaan ng COVID-19 at probisyon ng mga bitamina at iba pang immune-boosting supplements;
d. Probisyon ng swab testing at ibang serbisyong pangkalusugan kung magkaroon ng COVID-19 sa panahon ng 2022 National Elections;
e. Paglalaan ng pondo para sa paglilinis at pagkumpuni/pagpapanatili sa bawat pampublikong paaralan na ginamit bilang voting center; at
f. Pagkakaloob ng honoraria para sa mga miyembro ng DepEd Monitoring and Coordination Teams ng 2022 DepEd Election Task Force
Tayo ay magpapatuloy sa koordinasyon kasama ang COMELEC sa mahahalagang kahilingan para sa ating mga guro at poll workers, na dedikado sa pagtataguyod ng malinis, ligtas, at makatarungang halalan sa susunod na taon.
Source: DepEd
Sa pagpapatuloy ng KARAGDAGANG BENEPISYO PARA SA MGA GURO sa 2022 Elections
Reviewed by Teachers Click
on
December 10, 2021
Rating:
No comments: