Pagtataas ng sahod ng mga guro panahon na ayon sa maraming Pilipino


Batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia hinggil sa sahod ng mga guro, marami o 50% ng kabuuang respondents ang naniniwala na underpaid ang mga guro at panahon na upang taasan ang kanilang mga sahod.

Para kay Senator Win Gatchalian, ang survey na ito ay isa na namang patunay na nararapat lamang na itaas na ang sahod ng mga guro dahil malaki ang kanilang ginagampanan para sa pagkatuto ng ating mga kabataan.

“Panahon na upang itaas natin ang suweldo ng ating mga guro, lalo na’t sila ay napakahalagang sangkap sa pagkatuto ng ating mga kabataan,” wika ni Sen. Win sa kaniyang Facebook Page.

Matatandaan na isinusulong ni Sen. Win ang Senate Bill No. 149 na magtataas sa sahod ng mga guro (Teacher I) mula Salary Grade 11 (25,439) patungong Salary Grade 13 (P29,798).

"Kung maitataas natin ang kanilang mga sahod, maitataas din natin ang kanilang morale at mahihikayat din natin ang mas maraming mga kabataan na kumuha ng kurso sa pagtuturo,” dagdag pa niya.




FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS

Weekly Learning Plans (WLPs)

DOWNLOAD

Weekly Home Learning Plans (WHLPs)

DOWNLOAD

Summative Tests with Answer Keys

DOWNLOAD

Performance Tasks with Rubrics

DOWNLOAD

COT Lesson Plans (Quarters 1-4)

DOWNLOAD

Pagtataas ng sahod ng mga guro panahon na ayon sa maraming Pilipino Pagtataas ng sahod ng mga guro panahon na ayon sa maraming Pilipino Reviewed by Teachers Click on July 21, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.