Updates on Proportional Vacation Pay/Service Credits for Public School Teachers


Muling nagkaroon ng pulong-dayalogo ang Civil Service Commission (CSC), Department of Education (DepEd), at Alliance of Concerned Teachers (ACT), Act Teachers Partylist at ACT NCR Union ngayong araw. Ito ay kadugtong ng unang dayalogo noong July 11, 2023. 

Ang dayalogo ay upang talakayin ang mga hinaing ng mga guro hinggil sa:

1. Naitalang patuloy na pagliit ng bilang ng Proportional Vacation Pay at bakasyon ng mga guro sa nakalipas na mga taon na taliwas sa itinakdang 84 days ng CSC Omnibus Rules on Leave. Bunsod nito, nawawalan ng sapat na pahinga ang mga guro upang makapaghanda para sa susunod na taong panuruan.

2. Hindi makatarungang limitasyon na 15-days service credits na maaaring makamit ng mga guro kada taon sa kabila ng labis-labis na trabahong ginampanan na maaaring tumbasan.

Bilang tugon sa inihapag na mga hinaing ng ACT, iniulat ng DepEd na kasalukuyang nasa proseso ng pagrerebisa na ang guidelines sa Proportional Vacation Leave/Pay (PVP/PVL) na bunga ng ating aktibong pakikipag-ugnayan sa CSC at DepEd. Ayon din sa DepEd, kanilang binubuo ang bagong guideline para sa Service Credits na sasagot sa limitasyon ng 15-days annual limit.

Muli ring iginiit ng ACT ang kahalagahan ng pagkonsulta sa mga guro at mga unyon sa mga susing usapin tulad ng pagsisiguro sa sapat na pahinga at kompensasyon, at panawagan sa pagbabasura sa 15-days service credit limit.

Dumalo rin sa pulong si Rep. France Castro ng ACT Teachers Partylist upang makinig sa talakayan, ibahagi ang mga panukalang batas na kanyang inihain sa Kongreso kaugnay sa mga usaping ito, at ihapag ang mga mungkahing hakbangin upang matugunan ang hinaing ng mga guro.

Susi ang ating sama-samang pagkilos at paggigiit upang umakson ang DepEd at CSC sa ating mga hinaing at kinakaharap kung kaya ay mas kailangan nating ipagpatuloy ang pagkakaisa na ito uoang matiyak na paborable sa ating mga guro ang mga rebisyon sa palisiya ng PVP at Service Credits.

Source: ACT NCR Union



MORE GOOD NEWS FOR TEACHERS (READ HERE)
Updates on Proportional Vacation Pay/Service Credits for Public School Teachers Updates on Proportional Vacation Pay/Service Credits for Public School Teachers Reviewed by Teachers Click on December 27, 2023 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.