FAQs on the 30-day Uninterrupted Vacation of Teachers


Here are the FAQs on the 30-day Uninterrupted Vacation of Teachers as stipulated in DepEd Order No. 009, s. 2025:

1. Ano ang layunin ng updated na patakaran sa bakasyon ng mga guro?

Tinitiyak ng DepEd na may balanseng pahinga at propesyonal na pag-unlad ang mga guro.

Nagbibigay ito ng flexible vacation arrangements para sa mga guro. Tinitiyak nito na may sapat na panahon ang mga guro para sa personal na pahinga at boluntaryong pagsasanay.

2. Paano ipapatupad ang 30-araw na uninterrupted flexible vacation ng mga guro?

Maaaring piliin ng mga guro kung gusto nilang gamitin ang bakasyon nang tuloy-tuloy o putol-putol mula Abril 16, 2025 - Hunyo 1, 2025.

Dapat isumite ng mga guro ang kanilang napiling petsa sa kanilang punong-guro bago ang Abril 16, 2025.

3. Kasama ba ang ALS at ALIVE teachers sa bakasyon?

Kasama ang ALS at ALIVE teachers sa 30-araw na flexible break.
Hindi sila puwedeng atasan ng anumang gawain sa kanilang napiling bakasyon.

4. Ano ang patakaran sa training at iba pang aktibidad?

Maaaring sumali ang mga guro sa training at iba pang summer programs pero ito ay boluntaryo.

Makakakuha sila ng vacation service credits (VSC) para sa kanilang pagsama sa mga ganitong programa sa panahon ng bakasyon.

5. Paano ang mga school heads at mga teachers na designated sa non-teaching functions?

Hindi sakop ang school heads at teachers na may non-teaching functions sa 30-araw na bakasyon dahil mayroon silang vacation at sick leave credits.

6. Magkakaroon ba ng Performance Management Evaluation System (PMES)-related activities habang bakasyon? 

Walang PMES-related na aktibidad sa loob ng 30-araw na bakasyon para sa mga guro.

7. Maaari bang pumasok sa paaralan ang mga guro sa bakasyon?

Maaaring pumasok ang mga guro sa paaralan para sa iba't ibang aktibidad tulad ng halalan at sports activities, kung nais nila at boluntaryo ito.

Read the full content of the DepEd Order No. 9, s. 2025: DOWNLOAD HERE





FAQs on the 30-day Uninterrupted Vacation of Teachers FAQs on the 30-day Uninterrupted Vacation of Teachers Reviewed by Teachers Click on April 07, 2025 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.